Sobrang excited ka pag-sahod na, pero pag-dating ng dalawang araw..whoosh!! Nasaan na ang ka-perahan mo?
Nakaka-relate ka ba?
'Yan ang palaging nangyayari kapag may pera ka. Pero ang tanong ngayon, paano natin ma-kontrol ang kaperahan natin para hindi na ulet mangyari ito ng paulit-ulit.
Dahil kung ganito nalang parati, paano nalang pag-tanda mo at hindi mo na kayang mag-trabaho?
Sabi nga ng mga Financial Guru, that it is not how much you earn, but it is how much you grow that money para sa pag-retire mo ay hindi ka na mamomoblema ng pera.
"If you are born poor, it is not your mistake. But if you die poor, it is your mistake" - Bill Gates
Here are some Tips kung Paano Mo Ma-Kontrol Ang Ka-Perahan Mo para hindi ka na mamoblema ng pera pag-tanda mo.
1. Iwasang Mangutang
Sabi nga ni Chinkee Tan that there are 2 kinds of debt. A Good Debt and A Bad Debt.
Pero ang nakasanayan nating mga Pinoy ay ang pagkakaroon ng BAD DEBT!
Kung hindi naman kailangang-kailangan, huwag mangutang.
Kung may credit card ka, kung hindi mo naman kailangang gamitin, don't use it. Dahil alam mo ba na kung minimum lang ang binabayaran mo sa credit card mo ay mas malaki pa ang tubo noon compared kung babayaran mo ng buo.
'Yan ang nangyari sa tatay ko, kaya lumobo ang kanyang utang sa Credit Card dahil kakabayad sa minimum lang.
Again, kung hindi naman kailangan, Iwasang mangutang.
2. Spend Only 70% Of Your Income
Madalas na nangyayari ay ganito :
Income - Expenses = - NEGATIVE!
As much as possible, mag-cut tayo ng mga expenses kung hindi naman kailangan talaga. Kung baga, live within your means, but don't deprive yourself.
Paano naman mangyayari iyan?
- I-analyze mo kung paano mo ginagastos ang ka-perahan mo. List down all your expenses at tingnan mo kung saan napupunta 'yung mas malaking gastos mo kaya nauubos ang Income mo agad.
- .Magkaroon ka ng Budget. Kung nag-gogrocery ka, put how much you need to budget for that na maging enough para sa 'yo o pamilya mo.
This takes self-discipline kaya take it one step at a time baka ma-frustrate ka kung hindi mo 'to masunod agad.
Be realistic and make it to the point na kaya ng budget mo ang lifestyle mo.
3. Put 30% Of Your Income To Investments And Tithes
Sa Abundance formula na natutunan ko kay Bo Sanchez, we need to put 20% of our Income To Investment and 10% for Thites or Giving Back To God.
So, Sa 20% may very important Funds na kelangan i-allot.
1. Emergency Fund = This should take 6.66% of your Income para sa mga emergencies at para hindi ka na mangangapa kung saan ka kukuha ng pera.
Kung gusto mong mag-karoon ng Emergency Fund, it should be 3 times of your 3 or 6 months salaray then, in case na walang emergency na nangyari at na-kumpleto mo ang 3 times ng 3-6 months of your salary then it is okay to stop at idag-dag mo sa Wealth Fund ang next cycle.
2. Wealth Fund = This should also take 6.66% of your Income. Ito 'yung budget mo kung gusto mo mag-invest sa Stock Market, etc. Kung baga, ito yung magiging long-term Investment mo para sa pag-retire mo ay hindi ka na mamomoblema ng pera dahil alam mong may na-invest ka.
3. Freedom Fund = This should also take 6.66% of your Income. Ito 'yung magiging pang-bayad mo sa kautangan mo para hindi mo na makuha ang gastos sa budget mo na allotted for Investment or Expenses.
Click HERE To download your Free Copy of "My Maid Invest In The Stock Market" para malaman mo how you can Invest In Stock Market Too! If the Maids were able to do it, why Can't you?
4. Increase Your Source Of Income , if possible.
Kung sa tingin mo hindi talaga sapat ang kinikita mo, then might as well, humanap ka ng paraan para ma-increase ang source of Income mo.
Make sure na huwag mong hanapin ang mga "get rich quick scheme" na kitaan o 'yung mga easy money at wala kang gagawin. If you are planning to have a business on the side, you need to work for it para kumita ka at madag-dagan ang Income Mo.
'Yan ang ilan sa mga Idea Kung Paano mo ma-kokontrol ang Ka-perahan mo. It's okay to spend basta it is within your limits, dahil baka one day darating ang point na sabihin mo sa sarili mo na "Sayang! Sana noon ko pa 'to ginawa!"
No comments:
Post a Comment